Martes, Enero 22, 2013
JUAN TAMAD
ANG DI MABITAW-BITAWANG KATAS NG MANSANAS NI JUAN
Si Juan ay isang weirdong bata na may isang weirdong pangarap. Pangarap niyang umunlad ang kaniyang bansa sa pamamagitan ng pag-aantay sa mansanas na malapit nang mahulog sa kaniyang pag-aakala.
"Paasang mansanas to oh, malaglag ka na!"
Galit na galit na pagkasabi ni Juan habang sinusuntok ang puno nang mansanas na may isang tulay lang ang layo sa kanilang bahay. Hindi sa mansanas na hindi mahulog-hulog ang kinakagalit ni Juan, kung di dahil sa mga daang-daang katas ng mansanas na nahuhulog habang nag-hihintay sa mansanas.
Sa galit ni Juan ay bumalik siya sa kaniyang bahay at naghasa ng lagare na pinaglumaan na nang kaniyang itay. Dapit hapon na nang matapos ni Juan ang kaniyang lagare. Tinignan niya ito ng matagal bago lumarga papunta sa puno ng mansanas.
"Aba'y ang galing ko," banggit niya sa kaniyang sarili.
Nasa tulay na si Juan hawak hawak ang kaniyang bagong hasang lagare. Kitang-kita ang puno ng mansanas at hindi niya naiwasang pagmasdan ang mga huling sandali nito, sa isip-isip niya.
Habang siya'y papalapit, Hindi namalayan ni Juan na may tumutulo na sa kaniyang dalawang mata. Isang luha para sa daang-daang katas ng mansanas na kaniya nang natikman. Isang luha ulit para sa kabuhayan na binigay nito sa kaniyang itay na nasa Amerika. Isang luha nanaman para sa paborito niyang sapatos na crocs na pinagmamalaki niya pa sa kanilang kapit-bahay. At isang luha pa para sa kaniyang tsinelas na Havaianas na suot-suot niya ngayon. At mga dalawang luha naman para sa laman ng kaniyang tiyan.
Sa dami ng kaniyang luha ay humahagulgol na si Juan nang makarating sa puno ng mansanas. Sa halip na putulin ang puno, nagmadali itong tumakbo sa pinakamalapit na bayan na mayroon lamang dalawang tulay na layo sa puno ng mansanas.
Inabot niya sa isang manong ang kaniyang bagong hasang lagare. Inabutan naman siya ng isang papel na kulay-dalandan. Kahit hindi matanggap ni Juan ang nangyaring palitan, agad itong tumalikod papunta sa pamilihan na nasa tapat lamang ng kaniyang kinakatayuan. Kumuha siya ng ilang buto ng mansanas saka iniabot ang hawak niyang papel sa isang ale.
Nagmadaling tumakbo pabalik si Juan. Sinayang ang kaniyang pagod, ang kaniyang bagong hasang lagare saka ang kaniyang isang papel na kulay-dalandan para sa mga butil ng mansanas na maglalag-lag lang ulit ng mga katas ng mansanas.
-J.P. L
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento