Sabado, Agosto 31, 2013

It hurts

It hurts
like a gun shot at point-blank range,
like a bullet stacked between the heart,
like a shotgun in the chest,
like a grenade in the mouth,
a knife stabbed in the feet,

no chance,
can't breathe,
shocked,
fear,
and can't move.

Masakit, sobrang sakit lang, May mga bagay na hindi mo alam kung paano ka magrereact. Mga bagay na ayaw mong isuko pero paano kung sila na mismo ang nagsabi sayo na hindi?

Ipipilit mo pa ba? siyempre hindi rin.

sobrang hindi ko na alam, hindi ko na alam, hindi ko na alam, bigla nalang tumutulo uli ang ulan sa mga mata. Hindi mo alam pano pipigilan. ayoko ng ganito, sino bang gusto.

Ayoko na. Sana kung may choice pa lumaban eh, pero wala, Hindi ako martyr para ipaglaban ang laban na talo na. Wala na talaga, Bakit niya kailangan sabihin yun at hindi pa niya binabawi. Hindi kaya magkaroon ng nararamdaman sa iba. Hindi ko alam kung mali pagkakaintindi ko, pero yun na yun. Sobrang yun yun. sobrang masakit lang. Mas masakit pa sa pagkirot ng puso, Dahil itong sakit na tong nararamdaman ko ngayon ay kawalan ng buhay, kawalan ng pag-asa, kawalan ng lahat, mahina ang patak, pero tuloy tuloy lang, titigil ito sa labas, pero sa loob tuloy ang ulan. Sobrang gusto kong sumigaw, sobrang gusto ko magwala, pero sa lahat ng pinagdaanan ko alam kong wala narin tong magagawa, SOBRANG gusto ko lang makawala na sa ganito, bakit ba ganon, laging kulang, masakit, tinanggap ko to na someday mangyayari din to, tinanggap ko to nang inaccept kong magmamahal na ulit ako, dahil nahulog na ko, at minahal ko narin ito.

3 bagay
1. Desisyong magmahal ulit
2. Nahulog na sa tao nang hindi ginugusto
3. Minahal, natuto nang mahalin ang ugali at patuloy pang mamahalin,

ayoko na ng ganito.

Lunes, Agosto 19, 2013

Let the heart

Let the heart expect and not the mind.

What you want, what you want. I see no future, yet I why do I still believe. I opened my heart, yet your fog is the one that entered. My heart doesn't want to add casualties. It's getting hard for it to cover. Soon this heart will become a trekker, a demolisher, a breaker... But of course, my mind know what is right, then maybe it will just be closed forever. Let the ones already inside eat away its flesh, drink its blood.

Linggo, Agosto 18, 2013

Dahil kailangan ko siyang ilabas sa salita, bago pa tumulo ang luha

Dahil kailangan na siyang lumabas. Kailangan mayroon akong mapaglabasan. Dahil baka sa mata ko pa tumulo ang aking mga nararamdaman.

Madalas, pinapalagpas. Madalas tinatago. Hindi dahil sa kung anong dahilan, kundi dahil walang tamang dahilan para magreklamo sa mga bagay at pagkakataong ganito, sa lahat ng oras.

Mahal ko na siya. Pero siya... hindi ito ang dahilan. haha. Ganun lang talaga siya. Maiiyak ako ng walang dahilan. Kaya bago pa dumating sa ganito, gagawa na ko ng paraan. Lols.Isusulat ko na ulit ang aking nararamdaman.

Gumagawa ba ko ng tula? o sadyang yumg mga salita nagtutugma? Eto ang sinasabi ko, sumasaya ako sa pagsusulat kahit wala itong kuwento.

Siguro masakit lang, pero eto na, sa bawat walang reply masakit, di ko alam iisipin ko, dumudugo, pilit lumalabas, pero sa tagal ko nang pinagdaanan ang ganito, natuto na ko isara ang emosyon, buti nalang, onti nalang ang natatapon. lalo na sa mga panahon na umuulan, di ko alam kung sino ang kaniyang unan, chos. pero masakit lang na isipin kapag umuulan at di siya online, o di siya macontact, di ko alam, pero siguro dahil nangangamba ako na nasa panganib siya, o nahihirapan. Kung puwede ko lang siya laging tawagan. pero siyempre di naman ako ganun, Ang tunay na nagmamahal ay marunong maghintay, marunong magbigay ng espasyo na di lang sapat para huminga, pero para narin gumalaw.

Sumasara lang ang espasyo sa pagitan ng dalawang tao kung malilipat ang mga ito sa kanilang mga likod at hindi lang sa isang tao.

Linggo, Agosto 4, 2013

Bakit ba ngayon lang ulit ako nagblog

Bakit ba ngayon lang ulit ako nagblog?

Dahil ba naramdaman ko na sobrang delikado ng kinalalagyan ko? na walang kasiguruhan sa mga nakikita ko at mismong nararamdaman ko sa kung anong nararamdaman niya. :/ Na lahat lang ng memorya ay magiging pasakit din. sana hindi.

Bakit ba ngayon ko lang nakita yung mga bagay na pinapakita mo? o pinapakita mo nga ba. Hindi ko na alam, pero masaya ako dahil nakita ko to. Kahit ngayon lang. Masaya parin ako na kahit di sinasadya nakita ko siya. Hindi ko alam..

Ayoko mag blog, dahil ayoko mag overthink. Ayoko na magblog kasi baka nakikita mo to. Ayoko na magblog dahil nangahas na ulit akong mangarap at naniwalang hindi mauubos ang memorya na pagsasamahan natin. Siguro yun yon. Hindi ko rin maintindihan. Pero sa tuwing isusulat ko ang mga pinagdaanan natin, naiisip ko lang na ikaw yung babaeng hindi ko bibitawan.