Martes, Disyembre 16, 2014

December 16

December 16, pinilit mo nanaman sarili mo. Bumunot ako ng isa sa mga papel na binigay mo.
Sakto, ang sabi, may focus daw ako. Ma-aachieve ko ang gusto kong marating.
Sobrang ironic, sa dami ng mga papel na binigay mo para mapabalik ako,
yun pang papel na lalong inencourage akong sundan mga pangarap ko.
Pilit kong sinasabi sa sarili ko na kaya kita iwasan, na kahit anong pilit mo, di ako papatinag.
alam naman nating dalawa kasi, na hindi ka pwedeng nasa likod ko lang. Hindi ako ganoon. Alam mong sa lahat ng bagay, gusto ko katabi kita, hindi nasa harap, hindi nasa likod, katabi. Ang pagmamahal ay desisyon, mahal kita, pero pinili kong hindi ka na mahalin tulad ng dati. Alam naman natin na pag minahal kita, hindi titigil ang puso ko sa kakakulit sa utak ko na isipin kung kumain ka na ba, kung okay ka lang ba, kung malunkot ka ba, kung masaya ka ba, kung okay ka lang, kung safe ka. Tapos pati kung sino kasama mo, kung may umaagaw na ba sayo, kung may masaya ka ba sakin, kung kuntento ka. Alam kong hindi sayang ang mahalin ka, pero kung hindi ko naman mabibigay lahat ng kaya ko, lahat ng pwede kong magawa para sa'yo, lahat ng ako, bali wala rin ito. Sana kung nakuntento ka lang, kung di ka mapilit, kung kaya mo sarili mo, kung hindi mo hinihiling na samahan kita sa bawat mahirap na parte ng buhay mo. Isa lang naman narealize ko, kung gusto ko gumawa ng liham, ng novel, ng maikling kuwento, kailangan kong paghirapan. May mga kailangan akong tanggalin sa buhay ko. At kahit pigain ko utak ko, kailangan kong gawin kung gusto ko. Hindi ako manunulat, tao ako na nagsusulat, nangangarap na tawaging manunulat. Sa totoo hindi ko naman gustong makilala, gusto ko lang magkaroon ng sarili kong libro, kahit hindi ma publish. Hindi ko alam, kung saan saan na to napunta pero isa lang ang alam ko, kailangan kitang bitawan.  O kung hindi man, kailangan kong bitawan ang parte sakin na magpapaktanga sayo. Hindi ako perpekto, siguro nagkataon lang, hindi ko pa pala talaga alam kung pano magmahal ng buong buo. Hindi ko pa kayang tanggapin yung katotohanan, na kailangan ko mag antay ng suwerte oh maghintay na tumaas ang suweldo bago ako makapag simula. Kaya eto ako, gumagawa ng paraan para tuparin ang mga pangarap ko. Pumayag ako sa trip na gusto mo, isa lang to sa mga patunay na dapat nga kitang bitawan. Kahit binitawan na kita, lumabag parin ako sa mga rules na sinet ko sa sarili ko. 1. pipilitin ko pa magulang ko. 2. Gagastos ako ng mahigit 3k. kumbaga sa target ko, 1/10 ang ibabawas ko sa naipon ko. Sobrang labag nito sa loob ko. Pero dahil gusto kita, sasama ako. Kahit kelan walang nakapilit sakin, pag ayaw ko, ayaw ko. Pero may mga bagay na ayaw mo gawin, pero gusto mo naman talaga, matatawag mo ba yung napipilitan? Hay life, December 16.

Lunes, Disyembre 1, 2014

Hay

Eto ako, 
hindi makapagtrabaho,
kakaisip sayo.
May kailangan isulat,
pero ikaw ang pumapasok sa isip ko.
Ang hirap ng ganito,

Para sa’yo siya na ang huli,
Pero para sa kaniya,
Isa lang chapter ito ng buhay niya.
Bakit ba ko ganito?
Laging nag reretreat.
Pero sa oras na magretreat ako,
nag gigive ka naman.

Hindi ko na kaya to.
Pero ginusto ko to.
Tama nga bang binitawan kita?
Binitawan mo rin naman ako.
Hindi ka naman kuntento.
Siguro hindi talaga tama ang timing,
Pero kelan pa? Kaya mo ba?
Kaya ko ba?’
Minsan tumutulo nalang bigla,
Hindi ko talaga mapigilan.
Minsan kahit di naman ikaw iniisip ko,
Bigla nalang kumikirot ang puso ko.
Alam ko ikaw nanaman iniisip ng puso ko.

Pero tama na ang katangahan.
Madami ng napahamak sa pag-ibig.
Ikaw narin ang nag sabi na marami kang gusto.
This time, hindi ko hahayaan 
masira tayo ng pag-ibig.
Kung puwede lang,
pero hindi, kahit kelan hindi naman naging pwede.
Kaya siguro nanjan ka at nandito ako nagsusulat.
Kahit kelan hindi tayo magiging malaya.
Kinukulong ng situwasyon, ng pera, ng trabaho.
Siguro kinoconvince ko lang sarili ko na tama to,
Tama na hindi na kita makita.
Pero may tama ba na masakit?
May tama ba na araw-araw para kang tinutusok ng sinulid?
Anong tama sa mga luha?
Meron ba? 
Minsan, ang sarap nalang murahin ng mundo.
Minsang ang sarap nalang bugbugin ng mundo.
Pero wala naman akong magagawa,
Kaya maghihintay ako,
dahil nararamdaman kong di ko na kaya

magpasok pa ng ibang tao sa puso ko.