Linggo, Nobyembre 24, 2013

Love

Ok lang problemahin ang love, mas mahalaga ang love sa kahit anong bagay.

How

Piled up,

"I just wanted you to stop me,
but your call never reached me,
not when I was looking,
not when I was awake and standing.

It's in your part to make it work,
but you chose not to,

I held your hand, but it never reached your soul,
I touched your face, but it never reached your heart,
I wanted to kiss you, but it will all just be a lie,
I wanted you to make me yours,
but you just left me at the front door"

-unknown


Simple lang naman ang love. Simple lang naman talaga lahat ng bagay. Pero dahil sa isang taong nag-umpisa na pakumplikahin ito, ayun humirap na maunwaan ang love.

Parang studies. Dahil sa isang tao na nag-imbento/diskubre ng Algebra, Physics, at kung ano-ano pa, humirap tuloy ang buhay ng lahat ng tao. Ang dating simpleng pamumuhay na ikinasasaya na ng mga ninuno natin, eh hindi na masaya sa panahon na ito. Eh wala na tayong magagawa, masayado silang matalino. Kailangan nalang natin na sumabay. Eh ganun talaga eh. Kapag di ka sumabay, maiiwanan kang mag-isa. Makahanap ka man ng isang tao napag-iwanan din, tingin lang sainyo ng buong sanlibutan eh hamak na dalawang tanga.

Papaano kaya magmahal ng totoo. Yung walang hinihinging kapalit. O tama bang magmahal kahit di bumabalik. Hay buhay life.

Linggo, Nobyembre 10, 2013

Stalking

In times of troubles, I stalk 24/7. All eyes. waiting for an update. hais. Bipolarity. I'm sadder than her that's for sure. I just know how to adapt and suppress. FIrstdayfunk.

"I'm not ready for anything. No one is. The point is, taking a step one at a time and having the courage to leap forward, not step, but leap." -wew

Sabado, Nobyembre 9, 2013

NEW

It was fun
November 9. Need to post this. Coold. Feet sore. and all. Dead stars, and move.

Biyernes, Nobyembre 8, 2013

The idea of Love

The Idea of Love

"The idea of Love is so vast. That when you think of it, it will always produce branches of thoughts and fruits and seeds that produces another whole new idea of love." -me

People easily get bored, frustrated, tired and always fall in to expectations. Love is such a big idea that sometimes, people mistook it as a combination of all the emotions we feel (Care, envy, lust, comfortable, etc). 

Feelings, something that is only temporary. It is short-lived. No feelings lasts forever.

love for a family, love for a friend, love for a lover, aren't they all the same?

If love is eternal, then is it equal?

I don't understand such things, because for me, I only want to love but one, and care for the things she cares. It is what I feel, it is what I always end up doing. 

The feeling of eternal put in to one's heart makes love exciting. BUT THERE IS ONE PROBLEM HERE.
Love needs to be reciprocated. It is always the problem. We can't love fully because the love we want to give is also the love we want to receive.

What we think we can do, is always the love we think we must receive. It always interferes with our thoughts. That's why it is so hard to love someone.

Love is not as romantic as we see in the movies, nor we read in the novels. It is simply the waves in the shore, bringing something back, and taking something away, a repetitive cycle that only the fools will understand and never the elites.


Miyerkules, Oktubre 30, 2013

magsasawa ka

magsasawa ka kasi gusto mo lang ng masaya,
aatras ka kasi ayaw mo ng subukan.
magsasawa ka kaysa malunkot at masaktan.
Gusto mo lang maging masaya.

Huwebes, Oktubre 24, 2013

I love you without knowing why

I love you without knowing why and how.
Yet I know I love you and why.
I don't want to be vulnerable yet,
I don't want to beg for your love yet,
I don't want it, coz I know I want it.
You'll regret the day that I become like that,
If you love me, tell me, show me,
Coz all I see now is a fog of your reality,
All i see is a disgust of my reality compared to your world of fantasy.

Linggo, Oktubre 20, 2013

When the magic wears off

When the magic wears off.

All magic is a trick,
We either let them deceive us for the rest of our lives
or know their secrets and leave them behind.

What I fear the most is the magic of mystery,
where everyone tries to unravel the unknown,
then after that? the magic wears off.

people tend to look for another mystery, or worst,
staying to the 'myst' while finding another unknown.

No, I'm the kind of person who likes to stay where the fog is gone,
where the mystery is already unraveled and
where the place digs deep within.
Nothing new, but keeps on digging.

Now I hope the magic lasts forever.


(Worried that someday even a friend, you won't let me become) damn. I want to sleep today. :)

Biyernes, Oktubre 18, 2013

Fear

I always fear that a day would come that someone other than me would try to win her heart.

Surely he would be greater than me in pursuing. Why am I thinking about this now? hais, so much chills. I won't lose. But I hope it doesn't come. fvc*.

Huwebes, Oktubre 10, 2013

What should love be?

Love should just be:
"enough that you know she remembers you."
"enough that she treats you like a friend"

But what should you do if you love somebody?

Miyerkules, Oktubre 9, 2013

Sleepless

Hais sleepless, di ako makatulog for no definite reason, I hate this. I Need to care less.

Feelings 101
1. They will never treat you right.
2. They will only care about what they feel.
3. You yourself won't notice that you only care about yourself.
4. They lie for many good and bad reasons.
5. You can never be too possessive.
6. You can never care too hard.
7. One mistake and your out of their game.
Last. Pride sometimes become the reason why people will want you, and will leave you.

Exemption and Solution: Do everything opposite but care less and think less about the probability that they will once again disappear, either care less and feel nothing if they will go away or have really high confidence that they will not leave you. So, this idea makes me sleep. good.

May Nakatingin

"May Nakatingin"

Nabuhay kang paglabas mo sa sina-pupunan ay madaming nakatingin,
Hindi mo man sila nakikita pero alam mong may nagmamasid,
Sa kilos at sa galaw, sa bawat hininga at bawat pikit ng mata.
Alam mong hindi totoo lahat ng espasyo sa iyong tabi,
Dahil lahat ng iyan ay may nag-aabang na mata,
Sa iyong pag galaw, sila ay nakatingin,
Onting mali, alam mong sila'y sisigaw.
Hindi mo man sila makita,
alam mong alam nila,
dahil sila ay nakatingin.
Lumabas ka man ng bahay,
Abot parin ang kanilang paningin,
Mismong paghinga mo'y kanilang kokontrolin,
Hindi biro ang kanilang mga matatalas na paningin,
Parang mga pangil na nag-aabang para ika'y sakmalin.

Sa
na
da
hil
han
gang
sana
nalang
ang mga
bagay-bagay.

Linggo, Oktubre 6, 2013

Passion in Vain

"Passion is like an oil,
it stirs up the fire.
but like oil, it is black and in vain
without a fire to engulf to."

Some people turn their passion in to a wood. Helping others' fire to grow.

That's why I trained myself to tame the oil within me. Coz' no matter what I do, I know I will never be the fire that I wanted to be. There might be some wood that will try to help me, but it will never be enough for me to be the fire that I wanted to see.

"Always remember when everything seems wrong,
It might be that everything is right and you are wrong,
But then, it might be that everyone must really be wrong
and you are correct, but then you are still wrong, 
because the judge will always be them... 

if you think you need to make them believe that you are right."

Sabado, Oktubre 5, 2013

Game on

Let go of the pain,
Never let go of love.

"Siguro kaya gusto natin ilabas lahat ng malulunkot na bagay dahil gusto natin ilet go lahat ng pain...
at madalas, hindi natin maikuwento sa iba ang kasiyahang nararamdaman natin kasi genuine ito at umaasa tayo na wala na itong katapusan."

Sabi nga ng prof ko sa thesis sa kaniyang retreat letter para sa amin, (ayon sa pagkakaintindi ko) Matatawag mo lang na LOVE mo ang isang bagay kapag naranasan mo nang gustuhing wag itong mahalin pero sa kabila nito, bumabalik at bumabalik ka parin dito. 

(Beware, random and useless post, so strangers, leave now, haha)

TRUE

Well hindi ito ang dahilan kung bakit nagsusulat ako ngayon. Actually may deadline ako ng 12am, at lagpas 12am na -_-. Well bago ang lahat, siguro kaya walang pumapasok sa isip ko kasi natalo ang school ko sa La Salle. 

Pero sa kabila nun, naging sports naman kami at nangakong babawi kami sa last game. HAHAHA.

pero siyempre, buti nalang at kasama ko siya sa panunuod ng game, kundi, siguro nainis na ko ng tuluyan sa pagkatalo pa namin.

Masaya ako. Yun lang. Hindi ito kayang sirain ng mga Deadlines ko sa academics. wahaha. so ito, gagawa na talaga ako. -_-. Lets go!

(Some random and useless post)
  

Linggo, Setyembre 1, 2013

Funny and not so funny. (:)

Funny (Curiosity, and experiment)
Hahaha, sabi nanga ba. Hehe, So predictable. Isa lang di ko na calculate, hindi nga pala nila babasahin yung post dahil medjo mahaba. Pero nakakatuwa basahin yung mga comment. Haha, Dahil lahat sila nagdadala ng isang mabigat na emotion. Nakakaawa pero nakakatuwa. Nagmumuka lang silang tanga sa mga taong nagbasa. Halatang hindi sila marunong magbasa. Hanggang mas marami ang likes sa negative comment, panalo parin ako. hahaha.

Not so Funny (love pain)
But it doesn't matter. Ang nagmamatter ngayon para sakin, right at this moment, eh ang taxation recitation. 11:34 na! Ano ba ____! bat ka nadidistract sa mga ganitong bagay. Invulnerable ka sa pain of love, tandaan mo yan. Corny ka, lagi kang masaya at kaya mo lahat ng bagay, Ipipilit mo kung anong gusto mo ng hindi nagmumukang tanga, at lahat ng hahadlang sayo para maging masaya, mabait, tuturuan mo ng leksyon! Tuturuan mo sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng kabutihan. Na hindi kailangan manakit. Pero bakit hindi mo ata alam ang gagawin mo ngayon? magiging masama ka narin ba tulad nila? gagaya ka na ba sa kanila? pero kahit iniisip mo yan, alam mong hindi mo kaya, dahil kahit gusto mo maging masama, alam mo na sa huli, a life worth living is a life that is pleasing to God. Kahit na may remorse, and regret, and questions ka kay God ngayon, kahit alam kong sa kaniya parin ako babalik at babalik. Nakakaiyak lang talaga na hindi lahat ng tao eh #GodFirst. Na yung happiness nila eh sa iba nanggagaling. Joy kumbaga. Joy is the ultimate happiness. siguro onti lang makakaintindi nito, pero joy is the happiness even though there is pain, Joy is the unexplained happiness.

Not so Funny (thoughtless)
Akala ko basta mamahalin mo ang isang tao ng buong buo at di ka susuko eh kaya mong buhayin ang isang relasyon, pero hindi rin pala. Mapapasuko ka rin at mapapasuko karin at mapapsuko ka rin lalo na kapag narinig mo silang hindi nila kayang magmahal at hindi naniniwala sa kanilang mga sarili. Hopeless kumbaga. Siguro hindi talaga ganun ka hopeless, pero para kasi masabi mo ang isang bagay, siguradong merong totoo kahit papaano sa mga salita na yun, siguro ngayon lang talaga ako nakinig at pinakinggan siya sa kaniyang mga sinasabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko sumuko, Pero bakit mo ipipilit ang isang bagay na sa umpisa palang eh talo na?

Wala na talaga. End of thereof.

Sabado, Agosto 31, 2013

It hurts

It hurts
like a gun shot at point-blank range,
like a bullet stacked between the heart,
like a shotgun in the chest,
like a grenade in the mouth,
a knife stabbed in the feet,

no chance,
can't breathe,
shocked,
fear,
and can't move.

Masakit, sobrang sakit lang, May mga bagay na hindi mo alam kung paano ka magrereact. Mga bagay na ayaw mong isuko pero paano kung sila na mismo ang nagsabi sayo na hindi?

Ipipilit mo pa ba? siyempre hindi rin.

sobrang hindi ko na alam, hindi ko na alam, hindi ko na alam, bigla nalang tumutulo uli ang ulan sa mga mata. Hindi mo alam pano pipigilan. ayoko ng ganito, sino bang gusto.

Ayoko na. Sana kung may choice pa lumaban eh, pero wala, Hindi ako martyr para ipaglaban ang laban na talo na. Wala na talaga, Bakit niya kailangan sabihin yun at hindi pa niya binabawi. Hindi kaya magkaroon ng nararamdaman sa iba. Hindi ko alam kung mali pagkakaintindi ko, pero yun na yun. Sobrang yun yun. sobrang masakit lang. Mas masakit pa sa pagkirot ng puso, Dahil itong sakit na tong nararamdaman ko ngayon ay kawalan ng buhay, kawalan ng pag-asa, kawalan ng lahat, mahina ang patak, pero tuloy tuloy lang, titigil ito sa labas, pero sa loob tuloy ang ulan. Sobrang gusto kong sumigaw, sobrang gusto ko magwala, pero sa lahat ng pinagdaanan ko alam kong wala narin tong magagawa, SOBRANG gusto ko lang makawala na sa ganito, bakit ba ganon, laging kulang, masakit, tinanggap ko to na someday mangyayari din to, tinanggap ko to nang inaccept kong magmamahal na ulit ako, dahil nahulog na ko, at minahal ko narin ito.

3 bagay
1. Desisyong magmahal ulit
2. Nahulog na sa tao nang hindi ginugusto
3. Minahal, natuto nang mahalin ang ugali at patuloy pang mamahalin,

ayoko na ng ganito.

Lunes, Agosto 19, 2013

Let the heart

Let the heart expect and not the mind.

What you want, what you want. I see no future, yet I why do I still believe. I opened my heart, yet your fog is the one that entered. My heart doesn't want to add casualties. It's getting hard for it to cover. Soon this heart will become a trekker, a demolisher, a breaker... But of course, my mind know what is right, then maybe it will just be closed forever. Let the ones already inside eat away its flesh, drink its blood.

Linggo, Agosto 18, 2013

Dahil kailangan ko siyang ilabas sa salita, bago pa tumulo ang luha

Dahil kailangan na siyang lumabas. Kailangan mayroon akong mapaglabasan. Dahil baka sa mata ko pa tumulo ang aking mga nararamdaman.

Madalas, pinapalagpas. Madalas tinatago. Hindi dahil sa kung anong dahilan, kundi dahil walang tamang dahilan para magreklamo sa mga bagay at pagkakataong ganito, sa lahat ng oras.

Mahal ko na siya. Pero siya... hindi ito ang dahilan. haha. Ganun lang talaga siya. Maiiyak ako ng walang dahilan. Kaya bago pa dumating sa ganito, gagawa na ko ng paraan. Lols.Isusulat ko na ulit ang aking nararamdaman.

Gumagawa ba ko ng tula? o sadyang yumg mga salita nagtutugma? Eto ang sinasabi ko, sumasaya ako sa pagsusulat kahit wala itong kuwento.

Siguro masakit lang, pero eto na, sa bawat walang reply masakit, di ko alam iisipin ko, dumudugo, pilit lumalabas, pero sa tagal ko nang pinagdaanan ang ganito, natuto na ko isara ang emosyon, buti nalang, onti nalang ang natatapon. lalo na sa mga panahon na umuulan, di ko alam kung sino ang kaniyang unan, chos. pero masakit lang na isipin kapag umuulan at di siya online, o di siya macontact, di ko alam, pero siguro dahil nangangamba ako na nasa panganib siya, o nahihirapan. Kung puwede ko lang siya laging tawagan. pero siyempre di naman ako ganun, Ang tunay na nagmamahal ay marunong maghintay, marunong magbigay ng espasyo na di lang sapat para huminga, pero para narin gumalaw.

Sumasara lang ang espasyo sa pagitan ng dalawang tao kung malilipat ang mga ito sa kanilang mga likod at hindi lang sa isang tao.

Linggo, Agosto 4, 2013

Bakit ba ngayon lang ulit ako nagblog

Bakit ba ngayon lang ulit ako nagblog?

Dahil ba naramdaman ko na sobrang delikado ng kinalalagyan ko? na walang kasiguruhan sa mga nakikita ko at mismong nararamdaman ko sa kung anong nararamdaman niya. :/ Na lahat lang ng memorya ay magiging pasakit din. sana hindi.

Bakit ba ngayon ko lang nakita yung mga bagay na pinapakita mo? o pinapakita mo nga ba. Hindi ko na alam, pero masaya ako dahil nakita ko to. Kahit ngayon lang. Masaya parin ako na kahit di sinasadya nakita ko siya. Hindi ko alam..

Ayoko mag blog, dahil ayoko mag overthink. Ayoko na magblog kasi baka nakikita mo to. Ayoko na magblog dahil nangahas na ulit akong mangarap at naniwalang hindi mauubos ang memorya na pagsasamahan natin. Siguro yun yon. Hindi ko rin maintindihan. Pero sa tuwing isusulat ko ang mga pinagdaanan natin, naiisip ko lang na ikaw yung babaeng hindi ko bibitawan.

Linggo, Hulyo 7, 2013

Key

"To be forever distant in someway,
and not by fitting to their expected story,,,"

Linggo, Hunyo 30, 2013

KuwentongSpark Bago grumadweyt

Dahil binura ng Overheard, dito ko nalang ipopost.

#KuwentongSparks bago 'grumadwayt'  :)


Entrance exam ko nun sa UST. So way back 2009? pa ang kuwentong to. Totoy pa ko nun. Hinatid pa ko ng magulang ko papuntang UST, at balak din sunduin.

Pagkatapos ng entrance exam, mga around 3pm ata, tinext ko si mama para sunduin na nila ko. Nagreply sila na matatagalan pa sila dahil trapik at malayo pa raw sila.

Naghintay lang ako sa gate malapit sa H.S. Bldg. Hindi ako umalis malapit sa gate na may guard dahil nga takot pa ko nun mawala. Bumili lang ako sa katapat na potato corner tapos bumalik ulit ako sa lugar kung san malapit sa guard.

Nung una okay pa eh, kasi madami pa kaming naghihintay. Pero mga bandang 4:30pm, nawala na yung mga tao. Mga wala na sa sampu yung mga naghihintay ng sundo nila.

Habang nag hihintay, napansin ko yung isang  'cute' na babae na hindi na mapakali at tingin ng tingin sa relo niya. 'Medyo cute' siya na hindi mapakali. Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa mapatingin siya sa akin. Medyo malayo kami sa isa't isa kaya hindi awkward. Malay ko ba kung sa guard siya napatingin o sakin.

Sakto, wala akong relo. Pero siyempre may orasan yung cellphone ko. Pero hindi ko ba alam kung bakit ginamit ko yung lumang style at nilapitan siya at tinanong kung anong oras na. Nagkunwari nalang ako na sira yung time sa cellphone ko.

Pagkatapos nun, nagusap na kami ng nagusap. Medyo padilim na nun. Andami kong nalaman sakaniya. At parehas pa pala kami ng pangalan. Sa all girls school siya at "Jom" ang pangalan niya. nung una, di ako makapaniwala na jom pangalan niya. tinanong ko siya ng tinanong, baka nickname niya lang yun. At medyo na offend siya nung sinabi ko na panglalaki yung jom. Kaya di ko na siya kinulit.

Balak niya daw mag med sa UST, sana makapasa daw siya, at nagusap pa kami na magkikita kami pag nakapasiya siya dahil magcecelebrate siya. Siya unang kumuha ng number ko. Padilim na nun nung dumating yung sundo niya. Tapos mga ilang minuto pa, dumating narin yung sundo ko.

Naging mag 'textmate' na kami simula noon. pauso palang facebook nun kaya wala pa siyang facebook. Meron siya Friendster pero di naman niya ginagamit. Hintayin ko nalang daw siya gumawa ng facebook.

Madalas parin kami magtext kaya lang, bago iannounce yung results sa mga nakapasa sa UST, Nawala yung cellphone ko. Nawala lahat ng contacts ko. Nawala ko yung number niya. Sinubukan ko siya hanapin sa friendster pero di ko nakita. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung nakapag UST nga ba siya.

#Nospark

Linggo, Hunyo 16, 2013

This day is weird

SLEEPING IS HARD

"Don't know how I could sleep tonight
With dreams right between my eyes.
Hoping that there's tomorrow,
Where nightmares and dreams aren't the same."

There are problems in which you need to solve on your own. I'm not a fighter because not all the time, you could fight for the things you cherish. Sometimes, you just need to wait and see if the things you are waiting for are worth fighting for.

They will come to you if they are really for you. Work will show itself. Love will fight for itself. That is what I mean about "fighting your own battles". You don't need to fight for something which can fight for itself. That is what fighting for each other means. So as to work, friends and families.

I really want to fight for my friends who were not able to join in the work they called passion. But I guess I won't, I'm not a fighter. (But deep within me lies a Spartan) WAHWAHWAHDALjlefjlfjefefioqfjfh
Gonna think of a way to sleep. beep.

Martes, Mayo 28, 2013

Workaholic

In the end, only Gemini understands Gemini. (Foolish thought but somehow true)

Why do people break (Misunderstandings)?

1. Lack of trust
2. Lack of compatibility
3. Too much engrossed in one's work
 (Specially when you want to talk about each other yet they talk about their work)


There's this moment (time) again in me that I think too much. Gah, I need to stop this and move on. If things will happen then it will happen. Don't rush eoadskvniofnifejofnfbwfuoqpdjojwd stop thinking. Programming for myself to stop thinking. 3, 2, 1, Stop. STOP STOP.STOP. Blinking of cursor makes my head spin and think. Let me play 2 fuse or candy crush. Okay, it takes around 20 minutes before I can hold my tab. 20 Minutes is damn long. -_- This is frustrating.

Lunes, Mayo 27, 2013

LOLS

ISA KANG MALAKING LOLS. Sobra, Sobrang ess.

I know that she's still the one that raised me. But to actually stop me from my work? just because it's too early and they can't accompany me to some place? That is so FREAKING WTF.

Well, If she treats it as something as love relationship, I can still understand. For example, your partner is going to somewhere far, but you can't accompany her but then she still has to go. I know that feeling that you just don't want her to go at all. But that would be too SELFISH. FREAKING TOO SELFISH. IT WILL STILL BE HER DECISION! IT WILL BE. IF ANYTHING HAPPENS TO HER, IT'S GONNA BE HER FAULT. SHE MADE THAT DECISION TO GO ALONE.

That's what I think. See! See? I'm not just ranting. I'm also reflecting to the things I'm saying and thinking. To think that she compares it to love relationship. T_T But if it's not, then it would be more weird why she cares so much. So weird. Care turns into MONSTROUS HER. FVCK

Sabado, Abril 27, 2013

Day wasted

So much for a day. Sipat, barkada, Meet and greet literary giants, barkada. Exchanging it just for nothing. Because of a broken sched. It's really all for naught. Anyway, sweets made my day. Conti's cake. Keep calm and eat sweets.

Biyernes, Abril 19, 2013

Numb

My thumbs are numb
just like you.

You either make or destroy my day,
Can't write a single word to say,
Nor choose a game to play,
I try to think of other things,
but I just can't.
because of the words you said.

You don't know how much it affects me,
And I hate the fact that it affected me
I shouldn't be whining here,
nor rant,
I have other things to do,
More important than you.

The line before this was a lie,
I hope it wasn't,
So I'm ending this dilemma,
Either I'm gonna go for you,
Or gonna go for you.
No doubts,
just a fool for love.

Like my thumb,
you are dumb.

Sabado, Abril 13, 2013

WORK

WARNING: walang kuwentang entry. :)

Masarap pala na marami kang blog. Masarap pala na nakaayos din ito. Pero dito sa blog na to, sa blog kong Firsdayfunk, eh halo halo ang nilalaman nito. Andito ang totoong ako, ang totoong utak ng mga tao, "magulo." May mga English, may tagalog na entries pero who cares? This is my blog.

Alam ko na lahat tayo gumagawa ng blog, yung iba sadyang papansin, gustong sumikat. Yung iba naman masyadong pre-occupied, akala nila for their own purpose lang talaga. Pero di nila naiisip na pinost nila ito sa internet, kaya may mga taong makakabasa at makakabasa nito. Kung mayroong makakabasa, tunkulin din nila ayusin ang mga nillagay nila, tunkulin din nila na hindi sayangin ang panahon ng mga mambabasa nila.

WORK

Ganito pala kapag 20 ka na. Iniisip mo na ang kinabukasan mo. Pero ako? Hindi ko naman masyado naiisip yun. Siguro kung pumapasok man sa isip ko yun eh dahil narin sa tinatawag nating "Pressure." Pressure mula sa mga magulang, pressure mula sa mga kaibigan at higit sa lahat, pressure para sa taong gusto ko. Kailangan may ma ipagmamalaki ka, kailangan maging mayaman ka. Kung wala sila? medjo kampante ako na uunlad din ako at magiging masaya. Pero ng pinakamhirap sa lahat, ang magpasaya ng iba.

Nakakatakot. Paano kung isang araw hindi na pala masaya ang kinakasama mo sa buhay? Well, wala pa akong asawa, pero naiisip ko parin yun. At hindi totoong 20 na ko, malapit palang. Pero gusto ko nang gawin tong entry na to dahil may OJT na ko. Minsan naiisip ko, kung mayaman lang ako, magagawa ko ang gusto ko (ang nababagay na trabaho para sa utak ko pati narin sa katawan ko) pero hindi, lahat tayo dapat natin ipagpatuloy kung ano ang nasimulan natin. No turning back, ika nga nila. Basta ako? Hindi ako magbabago, maging kupal na lahat ng tao sa mundo. Mananatili akong maniniwala, na may natitira paring tao sa mundo na matino at hinding hindi bibitawan ang mga prinsipyo niya sa buhay para lamang sa isang maliit na papel o para sa katanyagan.


.

Miyerkules, Abril 3, 2013

Passion, this will not be the last, but it is definitely the end.

It is the end of what I thought it will be.
It is the start of the unpredictable future, a wavy one I supposed.
But definitely, this will be a great year, 
Not so sure in the succeeding ones.

END

End doesn't mean bad. End is just a start for something new. What if it is something good that is about to end?

It didn't end because we wanted to. It is just how things turned out to be. And those who can't move on will be trap in a reality (yes you can be trap in a reality, not just in illusion) will be trap in a reality of the past. It is real before, but not in the present anymore.

Well for me? It can still be real in the present. It's just, situations (people) don't agree with it. They wanted it, but didn't want to follow it. Sounds familiar?

It's like people are asking the government for a better life but then, some (well some is almost all) don't want to pay taxes.

Solutions, most of the times, are cruel. It has fangs.

Well I just want to write something that only I could understand. HAHAAH

walang magawa...
"The solution that I thought about turns out to be a Beta-dine. Good thing is that I'm a doctor and not just a 'prescriptionist' (yes I make my own words)."

Biyernes, Marso 22, 2013

Loser

ESs,

This time I would rant to myself.  rant rant rant

Napaka problematic ng mga sarili kong paniniwala. Mga paniniwalang hindi tanggap ng iba o hindi normal. Mga paniniwalang nagmumukang pangloser kahit hindi. Mga paniniwalang akala nila ay duwag ka lang. I already prove it before, oo duwag na ko, pero parte nun ay yung pagpili ko maging duwag dahil ang dalawang duwag lang na nagkakaintindihan ang makakatagpo sa tunay na kahulugan ng pagiging matapang. Dahil ang duwag lang ang makakatagpo sa mga totoong matapang. Panatay, pantay ang pagtingin ko sa bawat isa, kung kailangan maging matapang nang isa, tunkulin din ng isa maging matapang. Doon lamang sila magiging totoong tao. doon lamang sila magiging isa.

bow, so nonesense.

Martes, Pebrero 26, 2013

Gusto Ko Maging Sayo

Gusto Ko Maging Sa'yo

Siguro, lagi mo nang na naririnig sa ibang tao,
na gusto ka nila gawing kanila.
Siguro di narin bago sa'yo ang I love you,

Hindi ako katulad nila,
ayokong ankinin ka.
Gusto ko lang ay ankinin mo ako.

Hindi man ako magsabi na mahal na kita,
alam ko na mahal na kita.

Gusto ko na sana ibigay na sa'yo ang puso ko,
pero hindi ganoon kalaki ang puso ko,
baka magkaroon ako ng katabi kapag binigay ko ito sa'yo.

Hindi ako yung hinahanap ng puso mo.
Hindi ako yung makakapuno sa'yo.
Maaaring bagay man tayo sa pangin ng iba,
Pero sa pangin ko, ikaw yung klase ng tao
na madadala lang kapag may nangyari nang masama.

Hindi pa ako yung bagay sa'yo.

Linggo, Pebrero 10, 2013

Kaya mas gusto ko pa matuto magmura kesa sa magmahaL,

Halos lahat na ata ng naiisip kong mura ay nasesensor din sa utak ko.

Alam ko siya, pero hindi nabubuo sa isip ko. Kaya kong sabihin, pero walang lumalabas na boses. Hindi nanga ata ako natutong magmura dahil natuto na kong magmahal. PAKSIT!

KAIBIGAN

Kaibigan, kaibigan, begone, be gone. Siguro lahat ng simula ay palaging okay, ok at K. pero pag dulo na, it's gone. Sa gitna 'ibig' pero hindi ibig sabihin pang habang buhay na.

People change and people want change. BS. FS, PI, TI, FY.

BS- Buy some
FS- Find some
PI- Perfect idol
TI- Truth In
FY- Feels You

Kahit ilang ulit ko atang itanong ng itanong sa sarili ko kung bakit ako apektadong apektado sa mga kaibigan ko, eh yun ay dahil minahal ko nanga sila. Siguro kaya pinili ko rin maging introvert eh para hindi maharap sa mga ganitong pagkakataon, sa mga kumprontasyon.

Bakit masarap magmahal ng taong mahal karin?
Kaibigan, kaaway, kaibigan, kaaway, tao, hayop, bagay? Masarap magmahal ng taong mahal karin kasi kung magkataon mang mahalin mo rin ang sarili mo, para mo narin silang minahal. Mahirap yung tipong mahal mo pero di ka mahal dahil sa oras na piliin mong mahalin ang sarili mo, pipiliin din nilang mahalin nalang ang sarili nila.

Mas gusto ko pang matutong magmura, kesa magmahal ng mg taong hindi rin naman ako kayang intindihin, kesa magmahal ng mga taong gusto lang ng pansin.

Huwebes, Enero 24, 2013

Wag mong subukan idikit ang mga basag na salamin, Palitan mo na!

Hinding-hindi mo na mababawi ang mga nagawa mo, ang mga nasabi mo lalong lalo na ang 'nakaraan'. Kaya wag mo nang subukan itong balikan. May kinabukasan pa naman para palitan ang mga nasirang salamin ng katotohanan.

Oo, ang katotohanan ay isang salamin, madaling masira, mabago at mag-iba. Kaya nga ang balita sa diyaryo at TV ay pa iba-iba. Madaming sumisira sa katotohanan at minsan, mismong ang sarili nila ang gumagawa ng kanilang pagka-sira.

Tulad nalang ng napanood ko kahapon. Isang tao na nag ngangalang ______ ang gusto tumakbo ulit sa senado. Sa kaniyang interview, natanong siya kung seryoso ba siya sa pagtakbo niya dati kasama si Eddie Gil. Sinabi niya na hindi siya seryoso noon.

Ano? Eh pano ka seseryosohin ng tao ngayon? Wala nang paki ang tao kung seryoso ka na, ang paki lang nila eh di ka naging seryoso noon. Apat lang na salita, kaya baguhin ang isang katotohanan

(O katotohanan nga ba talaga?).

Martes, Enero 22, 2013

JUAN TAMAD



ANG DI MABITAW-BITAWANG KATAS NG MANSANAS NI JUAN


Si Juan ay isang weirdong bata na may isang weirdong pangarap. Pangarap niyang umunlad ang kaniyang bansa sa pamamagitan ng pag-aantay sa mansanas na malapit nang mahulog sa kaniyang pag-aakala.

"Paasang mansanas to oh, malaglag ka na!"

Galit na galit na pagkasabi ni Juan habang sinusuntok ang puno nang mansanas na may isang tulay lang ang layo sa kanilang bahay. Hindi sa mansanas na hindi mahulog-hulog ang kinakagalit ni Juan, kung di dahil sa mga daang-daang katas ng mansanas na nahuhulog habang nag-hihintay sa mansanas.

Sa galit ni Juan ay bumalik siya sa kaniyang bahay at naghasa ng lagare na pinaglumaan na nang kaniyang itay. Dapit hapon na nang matapos ni Juan ang kaniyang lagare. Tinignan niya ito ng matagal bago lumarga papunta sa puno ng mansanas.

"Aba'y ang galing ko," banggit niya sa kaniyang sarili.

Nasa tulay na si Juan hawak hawak ang kaniyang bagong hasang lagare. Kitang-kita ang puno ng mansanas at hindi niya naiwasang pagmasdan ang mga huling sandali nito, sa isip-isip niya.

Habang siya'y papalapit, Hindi namalayan ni Juan na may tumutulo na sa kaniyang dalawang mata. Isang luha para sa daang-daang katas ng mansanas na kaniya nang natikman. Isang luha ulit para sa kabuhayan na binigay nito sa kaniyang itay na nasa Amerika. Isang luha nanaman para sa paborito niyang sapatos na crocs na pinagmamalaki niya pa sa kanilang kapit-bahay. At isang luha pa para sa kaniyang tsinelas na Havaianas na suot-suot niya ngayon. At mga dalawang luha naman para sa laman ng kaniyang tiyan.

Sa dami ng kaniyang luha ay humahagulgol na si Juan nang makarating sa puno ng mansanas. Sa halip na putulin ang puno, nagmadali itong tumakbo sa pinakamalapit na bayan na mayroon lamang dalawang tulay na layo sa puno ng mansanas.

Inabot niya sa isang manong ang kaniyang bagong hasang lagare. Inabutan naman siya ng isang papel na kulay-dalandan. Kahit hindi matanggap ni Juan ang nangyaring palitan, agad itong tumalikod papunta sa pamilihan na nasa tapat lamang ng kaniyang kinakatayuan. Kumuha siya ng ilang buto ng mansanas saka iniabot ang hawak niyang papel sa isang ale.

Nagmadaling tumakbo pabalik si Juan. Sinayang ang kaniyang pagod, ang kaniyang bagong hasang lagare saka ang kaniyang isang papel na kulay-dalandan para sa mga butil ng mansanas na maglalag-lag lang ulit ng mga katas ng mansanas.

-J.P. L