WARNING: walang kuwentang entry. :)
Masarap pala na marami kang blog. Masarap pala na nakaayos din ito. Pero dito sa blog na to, sa blog kong Firsdayfunk, eh halo halo ang nilalaman nito. Andito ang totoong ako, ang totoong utak ng mga tao, "magulo." May mga English, may tagalog na entries pero who cares? This is my blog.
Alam ko na lahat tayo gumagawa ng blog, yung iba sadyang papansin, gustong sumikat. Yung iba naman masyadong pre-occupied, akala nila for their own purpose lang talaga. Pero di nila naiisip na pinost nila ito sa internet, kaya may mga taong makakabasa at makakabasa nito. Kung mayroong makakabasa, tunkulin din nila ayusin ang mga nillagay nila, tunkulin din nila na hindi sayangin ang panahon ng mga mambabasa nila.
WORK
Ganito pala kapag 20 ka na. Iniisip mo na ang kinabukasan mo. Pero ako? Hindi ko naman masyado naiisip yun. Siguro kung pumapasok man sa isip ko yun eh dahil narin sa tinatawag nating "Pressure." Pressure mula sa mga magulang, pressure mula sa mga kaibigan at higit sa lahat, pressure para sa taong gusto ko. Kailangan may ma ipagmamalaki ka, kailangan maging mayaman ka. Kung wala sila? medjo kampante ako na uunlad din ako at magiging masaya. Pero ng pinakamhirap sa lahat, ang magpasaya ng iba.
Nakakatakot. Paano kung isang araw hindi na pala masaya ang kinakasama mo sa buhay? Well, wala pa akong asawa, pero naiisip ko parin yun. At hindi totoong 20 na ko, malapit palang. Pero gusto ko nang gawin tong entry na to dahil may OJT na ko. Minsan naiisip ko, kung mayaman lang ako, magagawa ko ang gusto ko (ang nababagay na trabaho para sa utak ko pati narin sa katawan ko) pero hindi, lahat tayo dapat natin ipagpatuloy kung ano ang nasimulan natin. No turning back, ika nga nila. Basta ako? Hindi ako magbabago, maging kupal na lahat ng tao sa mundo. Mananatili akong maniniwala, na may natitira paring tao sa mundo na matino at hinding hindi bibitawan ang mga prinsipyo niya sa buhay para lamang sa isang maliit na papel o para sa katanyagan.
.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento