Dahil binura ng Overheard, dito ko nalang ipopost.
#KuwentongSparks bago 'grumadwayt' :)
Entrance exam ko nun sa UST. So way back 2009? pa ang kuwentong to. Totoy pa ko nun. Hinatid pa ko ng magulang ko papuntang UST, at balak din sunduin.
Pagkatapos ng entrance exam, mga around 3pm ata, tinext ko si mama para sunduin na nila ko. Nagreply sila na matatagalan pa sila dahil trapik at malayo pa raw sila.
Naghintay lang ako sa gate malapit sa H.S. Bldg. Hindi ako umalis malapit sa gate na may guard dahil nga takot pa ko nun mawala. Bumili lang ako sa katapat na potato corner tapos bumalik ulit ako sa lugar kung san malapit sa guard.
Nung una okay pa eh, kasi madami pa kaming naghihintay. Pero mga bandang 4:30pm, nawala na yung mga tao. Mga wala na sa sampu yung mga naghihintay ng sundo nila.
Habang nag hihintay, napansin ko yung isang 'cute' na babae na hindi na mapakali at tingin ng tingin sa relo niya. 'Medyo cute' siya na hindi mapakali. Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa mapatingin siya sa akin. Medyo malayo kami sa isa't isa kaya hindi awkward. Malay ko ba kung sa guard siya napatingin o sakin.
Sakto, wala akong relo. Pero siyempre may orasan yung cellphone ko. Pero hindi ko ba alam kung bakit ginamit ko yung lumang style at nilapitan siya at tinanong kung anong oras na. Nagkunwari nalang ako na sira yung time sa cellphone ko.
Pagkatapos nun, nagusap na kami ng nagusap. Medyo padilim na nun. Andami kong nalaman sakaniya. At parehas pa pala kami ng pangalan. Sa all girls school siya at "Jom" ang pangalan niya. nung una, di ako makapaniwala na jom pangalan niya. tinanong ko siya ng tinanong, baka nickname niya lang yun. At medyo na offend siya nung sinabi ko na panglalaki yung jom. Kaya di ko na siya kinulit.
Balak niya daw mag med sa UST, sana makapasa daw siya, at nagusap pa kami na magkikita kami pag nakapasiya siya dahil magcecelebrate siya. Siya unang kumuha ng number ko. Padilim na nun nung dumating yung sundo niya. Tapos mga ilang minuto pa, dumating narin yung sundo ko.
Naging mag 'textmate' na kami simula noon. pauso palang facebook nun kaya wala pa siyang facebook. Meron siya Friendster pero di naman niya ginagamit. Hintayin ko nalang daw siya gumawa ng facebook.
Madalas parin kami magtext kaya lang, bago iannounce yung results sa mga nakapasa sa UST, Nawala yung cellphone ko. Nawala lahat ng contacts ko. Nawala ko yung number niya. Sinubukan ko siya hanapin sa friendster pero di ko nakita. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung nakapag UST nga ba siya.
#Nospark
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento