Biyernes, Hulyo 25, 2014

The Loneliest Happy Birthday Monologue Script Ever

THE LONELIEST BIRTHDAY MONOLOGUE EVER.

Script: Happy Birthday!
Playwright: ColdFudge (attribute me and notify me if you are going to use this crappy work of mine)

Character:

Cho - 19 years old, single.

HAPPY BIRTHDAY!

Titingin sa salamin. Mag-aayos ng damit, mag-aayos ng buhok, magpapagwapo.

Titingin sa cellphone.

Cho: 11pm na. (ngingiti)

Kukunin ang cake sa ref. Dahan dahan niya itong bibitbitin at ilalapag sa lamesa. Aayusin niya ang lamesa. Maglalagay ng mga plato, kandila, kutsara at tinidor. Makikitang excited na excited si Cho sa kaniyang mukha. 

Titingin ulit sa cellphone.

Kukuha ng sulat si Cho. Malakas niya itong babasahin.

Cho: Surprise! Happy birthday! Nagulat ka no. Di mo inakalang may naka-alala ng birthday mo. Para to sa taong pinaka mamahal ko. Para to sa'yo. Makakalimutan ba naman kita? Lagi mo kaya akong inaalagaan. Ikaw lang yung nagmamalasakit sakin. Naalala mo nung minsan, nagkaroon tayo ng retreat? Breakfast na tapos walang nakaalala sakin, nilaglag pa nila yung alarm clock sa tabi ko, pero ikaw, pinilit mo akong gisingin. Ayun, nakakain ako kahit kanin nalang at sabaw yung natira atleast nakakain ako. Kaya ito, para sa espesyal na araw mo, para sa nagiisang..

Tutunog ang alarm sa cellphone, 12am na. 

Magmamadaling papatayin ni Cho ang ilaw, tanging ilaw lang ng cellphone ang makikita. Sisindihan ni Cho ang Cake. Bubuhatin niya ang Cake dahan dahan, tatayo na parang may hinihintay. Bigla siyang kakanta ng happy birthday habang papalapit sa salamin.

Cho: Surprise! Happy birthday! Nagulat ka no. Hindi mo inakalang may naka-alala ng birthday mo. Para to sa'yo. Ikaw lang yung nagmamahal sakin. Kaya ito... para sa espesyal na araw mo, para sa nagiisang taong naka alala ng birthday ko, Happy birthday Cho.

Telon!

-_- Crappy work, reading it again makes me sick. But gonna post it anyway. :p


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento