Eto ako,
hindi makapagtrabaho,
kakaisip sayo.
May kailangan isulat,
pero ikaw ang pumapasok sa isip ko.
Ang hirap ng ganito,
Para sa’yo siya na ang huli,
Pero para sa kaniya,
Isa lang chapter ito ng buhay niya.
Bakit ba ko ganito?
Laging nag reretreat.
Pero sa oras na magretreat ako,
nag gigive ka naman.
Hindi ko na kaya to.
Pero ginusto ko to.
Tama nga bang binitawan kita?
Binitawan mo rin naman ako.
Hindi ka naman kuntento.
Siguro hindi talaga tama ang timing,
Pero kelan pa? Kaya mo ba?
Kaya ko ba?’
Minsan tumutulo nalang bigla,
Hindi ko talaga mapigilan.
Minsan kahit di naman ikaw iniisip ko,
Bigla nalang kumikirot ang puso ko.
Alam ko ikaw nanaman iniisip ng puso ko.
Pero tama na ang katangahan.
Madami ng napahamak sa pag-ibig.
Ikaw narin ang nag sabi na marami kang gusto.
This time, hindi ko hahayaan
masira tayo ng pag-ibig.
Kung puwede lang,
pero hindi, kahit kelan hindi naman naging pwede.
Kaya siguro nanjan ka at nandito ako nagsusulat.
Kahit kelan hindi tayo magiging malaya.
Kinukulong ng situwasyon, ng pera, ng trabaho.
Siguro kinoconvince ko lang sarili ko na tama to,
Tama na hindi na kita makita.
Pero may tama ba na masakit?
May tama ba na araw-araw para kang tinutusok ng sinulid?
Anong tama sa mga luha?
Meron ba?
Minsan, ang sarap nalang murahin ng mundo.
Minsang ang sarap nalang bugbugin ng mundo.
Pero wala naman akong magagawa,
Kaya maghihintay ako,
dahil nararamdaman kong di ko na kaya
magpasok pa ng ibang tao sa puso ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento