Huwebes, Oktubre 1, 2015

My response to "The Assasination of Lea Salonga"

Magandang umaga po,
Unang una, kagalang galang na Mr. Mike E. Sandejas, hindi po natin maaaring ipagkumpara si Heneral Luna kay Ms. Lea Salonga. 

Kalayaan, kapakanan, kayamanan at ikakasaya ng lahat ang ipinaglalaban ni Heneral Luna, at si Lea Salonga ay isa lamang sa madaming talentadong Pilipino na nakilala sa ibang bansa(o isa sa pinaka magaling sa kaniyang henerasyon...)

Kumanta, nagperform at nagpunta sa ibang bansa, hindi para ipaglaban ang bansa, ngunit para rin may mauwing pagkain, laruan, kagamitan para sa kaniyang pamilya, tulad ng libo libong Pilipinong nagdudusa sa bansang ito. Siguro naitaas niya ang tingin ng ibang bansa sa bansang Pilipinas, pero sino makakapagsabi na hindi siya makakalimutan ng mundo tulad ng paglimot ng mga Pilipino kay Apolinario Mabini? Anong naging epekto ng kaniyang pagkanta sa mamamayang Pilipino? Nainspire upang maging magaling kumanta at magperform sa ibang bansa para palakpakan at hangaan ng mga puti at sinkit? #Nagtatanonglangpo

Lahat tayo ay may karapatang sabihin ang ating saloobin, maging handa lang tayo sa puwedeng bumalik sa atin, dahil tulad ni Ms. Lea Salonga, meron ding kalayaan ang mga taong mag kumento sa isang public post.

At tatandaan natin, tulad sa ipinakita ng palabas sa Heneral Luna, siya'y nasiraan dahil sa kaniyang pagtutok ng baril sa isang matandang babae na walang kinalaman sa kaniyang galit, at dahil sa kaniyang pagsasalita ng "Walang nakaaangat sa batas... kahit pa presidente" 

Maaaring tama ang ating kumento, pero hindi mo puwedeng husgahan ang isang palabas o ang isang tao base sa kanilang tweet o isang post. (1)Isa hanggang (3)tatlong oras ang panunuod ng EB, 1-5 minuto para magtweet. Mayroon pang (8)walo o mahigit pa na oras para ipaglaban ang bansa at maging malalim!

Teka, paano ba maging malalim at paano ipaglaban ang bansa? Kailangan ba buong araw ng isang Pilipino ang gamitin sa pagpili ng Bayan? Hindi ba ang Bayan ay tayo rin? #Nagtatanonglangpo ulit.
Maging masaya para magawa ang trabaho ng maganda!

"Di ka ba nakakaintindi ng Tagalog?" - Antonio Luna

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento