Linggo, Agosto 18, 2013

Dahil kailangan ko siyang ilabas sa salita, bago pa tumulo ang luha

Dahil kailangan na siyang lumabas. Kailangan mayroon akong mapaglabasan. Dahil baka sa mata ko pa tumulo ang aking mga nararamdaman.

Madalas, pinapalagpas. Madalas tinatago. Hindi dahil sa kung anong dahilan, kundi dahil walang tamang dahilan para magreklamo sa mga bagay at pagkakataong ganito, sa lahat ng oras.

Mahal ko na siya. Pero siya... hindi ito ang dahilan. haha. Ganun lang talaga siya. Maiiyak ako ng walang dahilan. Kaya bago pa dumating sa ganito, gagawa na ko ng paraan. Lols.Isusulat ko na ulit ang aking nararamdaman.

Gumagawa ba ko ng tula? o sadyang yumg mga salita nagtutugma? Eto ang sinasabi ko, sumasaya ako sa pagsusulat kahit wala itong kuwento.

Siguro masakit lang, pero eto na, sa bawat walang reply masakit, di ko alam iisipin ko, dumudugo, pilit lumalabas, pero sa tagal ko nang pinagdaanan ang ganito, natuto na ko isara ang emosyon, buti nalang, onti nalang ang natatapon. lalo na sa mga panahon na umuulan, di ko alam kung sino ang kaniyang unan, chos. pero masakit lang na isipin kapag umuulan at di siya online, o di siya macontact, di ko alam, pero siguro dahil nangangamba ako na nasa panganib siya, o nahihirapan. Kung puwede ko lang siya laging tawagan. pero siyempre di naman ako ganun, Ang tunay na nagmamahal ay marunong maghintay, marunong magbigay ng espasyo na di lang sapat para huminga, pero para narin gumalaw.

Sumasara lang ang espasyo sa pagitan ng dalawang tao kung malilipat ang mga ito sa kanilang mga likod at hindi lang sa isang tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento