Ayoko marinig ang boses mo,
Ayoko masilayan ang mga mata mo.
Ayoko madikit sa balat mo,
Ayoko.
Bawat oras na lumilipas,
Ikaw ang naiisip ko.
Bawat bagay na nakikita,
Ikaw ang naaalala ko.
Malamigan o mainitan,
Yakap mo ang aking hinahanap.
Pag gising man o pagtulog,
Pumapasok ka sa aking isipan.
Onti-unting tumutulo,
mga luha na nagpapaalala sa'yo.
Pero ako'y sira, wasak at kulang.
Hindi ko maiibibigay sa'yo
Ang hinahanap ng iyong katawan.
Insecure, sa mga taong may mas maibibigay sa'yo.
Hindi ko pa nahahanap ang sarili ko.
Walang ipagmamalaki,
Walang katiyakan sa kabaitan
na pinipilit mong ibalik sa akin.
Wala na akong mukhang ihaharap sa'yo,
pinagsarahan kita ng pinto,
Hindi man lang kita pinagsalita.
Alam ko na sa oras na to,
hindi mo na ko kayang hintayin.
Pero ito yung totoo,
Ganito pa katagal ang dapat natin tiisin.
Hindi na ko umaasa,
Hindi na kita kukulitin pa.
Pero sa kahulihulihang pagkakataon,
Gusto ko lang sabihin,
Mahal Kita.
Sana hintayin mo ko,
Sana kaya kong ibalik ang dati,
Sana pagnabuo ko na ang sarili ko,
Andiyan ka na ulit sa aking tabi.
Sana. Makasarili ako.
Pero sana, sana, sana.
Hindi ko na kaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento