Sa maikling panahon sinubukan kong maging "lahat" mo.
Sa bawat oras na magkasama tayo, ikaw lang ang nakikita ko.
Kahit sa pagpikit ng mga mata ko, imahe mo ang naiisip ko.
Hindi ko na kailangan ng mga salita para sumaya ako,
hindi ko na gusto hingiin ang oras mo para maging maligaya ako,
Okay na ko sa kakaunting oras na meron tayo.
Sana mayroon akong pakpak para dalin ka sa iba't ibang lugar,
Kung ikaw nalang sana ang north magnetic pole ko at ako ang south mo,
Sana isang makapal na libro nalang ako,
O isang internet, Pwede narin sana kung pagkain ako.
Pero...
Sa kabila ng lahat ng saya laging may kalunkutan,
Sa kabila nang paghahangad maging "Lahat" mo,
sa totoong buhay isang role lang ang pwede kong gampanan,
sa bawat oras na ikaw lang ang nakikita ko,
maaaring hindi na kita napakikinggan o hindi ako ang nakikita mo,
at sa bawat pagpikit mo, kadiliman parin ang mumulat sayo.
Hindi ko na kailangan ng salita, pero malamang sa malamang kailangan mo ng salita,
malamang sa malamang, kailangan natin ng oras,
at sa totoong buhay, hindi lahat puwede natin ankinin,
Wala akong pakpak, hanggang sa lupa lang kita puwedeng dalhin,
at walang magnet ang mga tao, sadyang pinaglalaruan lang tayo ng tadhana,
At kung iisipin, wala pa siguro sa 1000 pages kung magiging isang libro ako.
Sa totoong buhay, hindi ko magagawa lahat,
Hindi ko kaya maging forever sa'yo,
hanggang f-o-r-e lang ako,
nakasalalay parin sa'yo ang huling tatlong letra kung magkakaroon ng salitang forever.
At sa totoong buhay ang love, hindi mo makikita,
hindi mo masisiguro, hindi mo masasabi,
nakabitin sa hangin, nakabitin sa bangin,
magkatabi man kayo, o malayo, anjan parin ang love,
mapanlinlang.
Parang hangin, hindi nakikita pero nanjan at buhay.
Nasa tao nalang kung panghahawakan nila ang love.
Hindi puwedeng 1-way, dapat 2-way. Maniniwala ako, maniniwala ka.
Kung ang tao mapupunta sa mars, kailangan niyang paniwalaan na hindi lason ang hangin na hihingahin niya,
dahil kahit hindi lason ang hihingahin niya, kung di siya hihinga, mamamatay siya.
Ganun ang buhay, maikli lang. At ang mga bagay na andito ay mas maikli pa.
kaya pinagtatawanan lang ng mga planeta ang "forever" ng mga tao, dahil para sa kanila,
100 ikot lang sa araw ang forever ng tao. Buti hindi nagsasawa ang mga planeta umikot lang ng umikot.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento