"Food as my liquor,
Sweets as my drugs,
Happiness is natural,
when it's not mutual,
it will never work.
All can love,
Some are happy naturally,
Some needs to be stimulated all the time.
When one is asking for more in your worst state,
It will never be enough even in your best state,
and they don't deserve it anyway,
because it will always lack."
I want you and I need you. Bakit ba hindi ka nalang naging normal na babae. Bakit ba hindi ka nalang naging katulad ng iba. Bakit ba nagkapuso ka ng parang pang lalaki. Bakit. Ikaw ang gusto ko. Sobrang gusto kita. Sobrang Mahal kita. Hindi mo na kinakaya, pero mas hindi ko kinakaya. Bakit ba hindi nalang ako naging tulad ng iba, na ipaglalaban nila kasi doon sila masaya. Pero ako hindi. Iniisip ko lagi ang future. Alam ko na hindi lagi magiging masaya, na mas mahalaga na masaya ka lang ng natural. Na parang hangin. Na hindi mo kailangan hingiin. Pero sigurado ka na anjan lang siya. Kinukulang man sa hangin minsan, Pero alam mong di kasalanan ng hangin, alam mo lang na dapat huminga ka lang ng mas malalim. Dahil kung hindi, mamamatay ka. At yun na ang nangyayari sakin, namamatay nanaman buong katawan, isip at puso ko. Namamatay nanaman. Lahat ng ngiti at iyak natutuyo nanaman. Lahat lahat nawawala nanaman. Buti nalang nabubuhay ulit ito. Ayoko nang umasa na mabuhay ulit. Ayoko mamatay. Ayoko mamatay sa pagkakataong ito. Pero mas takot ako na mamatay sa hinaharap. Na mamatay at hindi na mabuhay. Natatakot ako na magpatayan lang tayo sa huli, kahit alam ko na sa hinaharap na gagawin ko lahat para di tayo mamatay, pero alam kong wala akong magagawa kung gusto mo akong patayin. SOBRANG WALANG KWENTA LANG TALAGA NG MUNDO.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento