Biyernes, Hunyo 6, 2014

Kayo

"Kayo"

Sabi nila, hindi daw tatagal ang isang relasyon na malabo,
Sabi nila, naglolokohan lang ang dalawang taong walang commitment sa isa't isa,
at sabi pa nila, lagi mo daw mararamdaman ang pagkakulang 
dahil sa araw araw na wala ang salitang "kayo" para pagbuklurin ang kayo,
naguusap man o hindi, malapit man o malayo.

...

Makapangyarihan ang mga salita,
Puwede rin mapanlinlang,
Pero sa lahat ng salita, ang salitang "Kayo"
Ang isa sa pinakamakapangyarihan.

Isang salita lang,
puwede mong mapalayas ang isang tao na sunod ng sunod sayo,
Isang salita lang, puwede kang makaramdam ng pagmamahal,
isang salita lang, may nabubuo nang lubid na nagtatali sainyong dalawa.
Isang salita lang, maaari mo nang maalala lahat ng kasiyahan at hirap na pinagdaanan,
isang salita lang, mapapaasa ka na sa patutunguhan niyo sa hinaharap.


...


Pero kahit wala ang salitang "kayo" sa ating dalawa,
kahit lahat ng bagay hindi sigurado,
araw araw na nangangamba,
araw araw na natatakot,
nilalakasan parin ang loob.
wala mang salitang "kayo" sa atin,
Meron namang "ako", ako na mamahalin ka,
ako na hihintayin ka hanggang sa dulo,
ako na siguradong sa'yo ako,

hanggang hindi pa nagmamahalan ang aso't pusa,
hanggang may pag-asa pa sa humanity,
hanggang di pa bumababa ang mga aliens sa planet earth,
hanggang may mga lapis pa at ballpen,
Sa'yo ako, hanggang hindi ka pa nagmamahal ng iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento