Martes, Abril 1, 2014
FAREWELL
Natapos na ang graduation, pero parang di parin dahil di pa nagtatapos doon ang college life ko. Halos kalahati ng oras ko nung college eh kinuha ng Artistang Artlets. Pero ngayon, ngayong araw na to, dito na magtatapos lahat dahil farewell party na ng AA. Sa dami kong pinagdaanan, sa sa mga sakit, saya, tuwa, tagumpay, pagkatalo at sa halos na parang naging patay ako dahil sa isang failed subject, hindi ko lahat yun makakalimutan pero sa dami nang naranasan ko sa college life ko, naisip ko na ganun din naman kadami naranasan ko nung highschool ako. Hindi sila pwede pagkumparahin. Sabi nila mas masaya daw ang Highschool, pero siguro dahil sa AA kaya parang naging parehas lang. Hindi ko maintindihan kung bakit pag graduation madaming umiiyak, nalulunkot, nagpapapicture ng madami na parang may iiwan sila na ayaw nilang iwan. Siguro intinding intindi ko sila pero nakaugalian ko lang na laging mag move forward. Laging mag advance, kasi siguro kung di ako ganoon, siguro isa na ako sa mga tumutulo ang luha dahil sa pag-iwan sa college life. Siguro kung wala akong lakas ng loob na mag move forward, andun parin ako at umiiyak dahil sa nakaraan ko. siguro, hindi ko lang hinahayaan na magkaroon ako ng butas na pagsisihan lahat nang naging desisyon ko, kasi alam ko na lahat ng ito, ay may patutunguhan para sa mas maganda kong kinabukasan. Pero ngayon, ito na talaga ang simula ng kinabukasan ko, ang resulta ng lahat ng nangyari sa nakaraan ko, kung paano ko haharapin ang bawat problema ay dahil iyon sa nakaraan ko, at sigurado ako na sapat na ang nadaanan ko nakaraan, para pumili ako ngayon ng mga desisyon na ikakatagumpay ko. Siguro, Sana. Farewell Past...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento