"CONCEPT OF LOVE"
Nakaupo ang KIKAY sa isang tabi na may hawak na libro tunkol sa love. Naglalagari ang PUNK sa itaas na bahagi ng entablado. naglalaba ang INAY sa kaliwang bahagi ng entablado. nakahiga lamang ang emo.
KIKAY:(sa isang kikay na tinig) What is love? ang love eh yung kapag sinabihan ka ng crush mo ng i love you, tapos kikiligin ka, hihi, tapos makakaramdam ka ng...
PUNK:(sa isang malalim na tinig) Mali ka! love is Pain!!! kapag nasaktan ka, Love na yun! kapag gustong gusto mong durugin lahat ng lalaking umaaligid aligid sa tabi niya, kapag...
INAY: (Isang magaan na tinig) Mali kayong lahat, ang pagmamahal ay isang uri ng pagmamalasakit. Ayaw mong nasasaktan ang mahal mo, gagawin mo lahat para lang wag siyang masaktan.
Babangon ang Emo sa kinahihigaan. mapapatigil ang lahat at mapapatingin sa EMO
EMO:(Isang nakakatakot na tinig) Love, love.. There's no such thing as love.
Muling gagawin ng lahat ang kanilang stage business
ALL: Love, love love... (Patuloy ang pagbigkas ng love sa iba't ibang tono)
Dadating ang isang cute na demonyong bata na nakasuot ng puti na sumasayaw at pagtatawanan lamang ang mga klase ng tao.
titingin ang lahat sa audience
ALL: Love (isang tono) what is LOVE?
TELON
-Jerome Paul B. Ladan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento