MAHABANG BLOG para sa aking panimula,. bow
First Day funk bukas. Bagong taon, iba't ibang tao at bagong mga ugali ang susubukin ulit. Ito ang mangyayari kinabukasan. Oo nga pala bago ang lahat, ako pala si Paul, taga UST. Journalism ang course, miyembro ng Artistang Artlets, official theater guild of arts and letters. Malayong malayo ang Journalism sa klase ng buhay ko noong ako'y highschool palamang, pero siguro yun nanga ang pinaka dahilan ko kung bakit ako nag journ, bagong buhay.
Sabihin na natin na easy going lang ako, pero kahit ganoon eh madami narin akong karanasan. sabi ko naman sayo eh, ginawa ko tong blog na to para sakin. kaya mag kukuwento ako ng tunkol sakin, HAHAHA. Pero bago ko ikuwento ang mga kaisipan kong feeling ko ay di mo rin naman magegets eh balik nalang tayo sa First day funk.
Ang First day funk ay isang activity ng AA(artistang artlets) na kung saan ay shino showcase nila ang talento nila sa pag-arte sa pamamagitan ng pag pasok sa mga kwarto ng freshies at gagawa ng eksena. hinding hindi ko malilimutan yun. ito din kasi ang nagpasali sakin sa organisasyong AA. Dito nagsisimula lahat, para bang may sumiklab na isang maliit na apoy at nagtuloy-tuloy na ito hanggang maging isang malaking apoy.
"Passion" bago pa man din naging passion ang AA para sakin ay naging isang kapitan ko lamang ito upang makalimutan ang nakaraan at maging seryoso na sa pag-aaral. Hindi ko aakalaing mamahalin ko ang org na to.
"Firsdayfunk" Sa bawat pagsubok sa ating buhay, madami ang nagpapanggap na may pakialam, pero sa totoo, ang mga taong nakatingin lamang ang sila pang tunay na nag-aalala para sayo.
so anung connect? sa unang araw mo, hindi mo mapapansin kung sino at alin ang totoo, lahat ay nagtatago sa mga sarili nilang maskara. Hanggang hindi mo sila nakikilala, hindi mo sila makikilala.
Parang AA, Madaming muka, pero sa likod nito'y pawang tumutulong sa kabuuan ng tao.
"Quit" -marahil ay hindi pinayagan ng magulang, o kaya nama'y di kinaya ang pressure, o kaya nama'y mali ng expectation. Once na tumagal ka, saka mo lamang malalaman kung ano ang AA.
1:55PM na, First day funk bukas, ngunit tila buwan at bituin ang aking kalaban, araw ang aking maasahan. in short, kaylangan kong magising. goodluck sa lahat ng papasok! :D
SYSTEM and 10 GOLDEN RULES
TumugonBurahin1. Hierarchy
2. Plan ahead and teach! (How to become a head)
3. Vision Statement (very important)
4. Expectation check (for them to follow)
5. Media Flood
6. AA Notebook
7. AA ang ipromote
8. Problem Box
9. Role as AA member (YEAR)
10. Transparency
ACTIVITIES OF AA THIS YEAR
1. WORKSHOPS!
2. ACT OF THE YEAR (to Apprentices)
3. AA Cutie
4. CAMPS
5.