Kakatapos lamang ng aming First Day funk. :D masaya, nakakatuwa at bagong experience. Nabalitaan ko rin na sa Albertus Magnus na ang aming play! :D super fun. Okay na sana ang lahat... siguro ang mali ko nalang eh, umuwi ako. Pero considered mistake pa ba yun? eh normal na umuwi ang isang bata. hahaha.
"Hindi na nga gumagawa ng masama, papagalitan ka pa" Siguro ganoon talaga no? Hindi mo maiintindihan ang mga magulang mo at di karin nila maintindihan. HINDI RIN! Intinding intindi ko sila. MAKASARILI LANG Halos lahat ng magulang at ginagawang palusot ang LOVE and CARE para ikulong ka nila sakanilang mga palad.
"MAKASARILI" gusto nilang makita nila ang kanilang mga anak na protektado para mapanatag ang kanilang loob. hays.. PAREN..TSsss nga naman.
"hinding hindi ko kayang maintindihan ang pagiging makasarili nila, dinadamay pa ang PAG-AALALA at PAG-MAMAHAL para lamang itago ang pagiging MAKASARILI"
"Palakihin mo ng tama ang isang bata at sa tiyak na panahon ay magtutuloy tuloy na ito kahit wala na ang iyong gabay" Siguro ito ang pinaniniwalaan ko. Parang ang analohiya ng puno, kapag tumubo ng diretso ang isang halaman, patuloy na ito sa pagtubo ng diretso, pero kapag bumaliko ito habang halaman palamang, mahirap na ito diretsuhin pag naging puno na ito ng nakabaliko parin. MALABO dahil malabo talaga!
Paalala: Ang blog na ito ay ginawa ko para sa akin. Tsss. makatulog nanga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento