Huwebes, Hunyo 7, 2012

Kaya pala ako nag ICE CREAM!

kaya pala napaka weird ng araw na ito. First of all, mejo wala ako sa mood, sabihin na nating parang may nalilimutan ako. pumasok ako ng class ko ng 8-2pm at ang mga professor ay patuloy parin ang pag dismiss samin ng mas maaga, well it's a good thing. so nag umistambay muna ako sa AA booth namin, pero in the end naisipan ko parin umuwi ng maaga.

So umuwi ako. Madalas akong bumili ng ice cream sa Mcdo, yung choco mcdip nila, kapag wala akong barya pang tricycle pauwi o kaya naman eh may sobra akong barya. Pero ngayung araw, sakto lang ang barya ko pang tricycle, bumili parin ako. Tapos, naisipan ko pang kumain ng siomai with rice bago umuwi. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang akong kumain ng ganoon. hanggang maalala ko nalang na birthday pala ng dati kong napakabuting kaibigan na hindi ako inaadd sa facebook. Well, siguro kaya nga ako napa bili ng ICE CREAM.

SUB-CONCIOUSNESS, Ito siguro ang parte ng ating utak na kahit kelan ay di natin mapag kakaila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento